Philippine Standard Time

News and Announcement

113th Regular Session January 20, 2025

Jan 22, 2025 - 05:22 AM


January 20, 2025-ginanap ang ika-113 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Milbert L. Oliveros. Naging panauhin ang Cavinti Football Club, G. Jose Mari L. Esguerra isa sa namumukod-tanging Kabataan ng Laguna/ Pangulo ng Rotaract Club of Cavinti.
Pagbibigay ng Pagkilala sa Cavinti Football Club nagkamit ng pagkapanalo sa iba't ibang kategorya sa ginanap na 6th Gov. Ramil L. Hernandez Football Festival Sta. Cruz, Laguna noong ika-24 ng Agosto taong 2024.
U8 Division- Champion
U10- 1st Runner Up
U17 Division- 2nd Runner Up
MGM Football Festival na ginanap sa Romblon Football Stadium, Romblon Romblon noong ika-12 ng Enero, 2025.
MIXED U9 and U11 Division - 1st Runner Up
U13 Division- Champion
U15 Division- 1st Runner Up
Pagkilala at Pagpapahalaga kay G. Jose Mari L. Esguerra, Pangulo ng Rotaract Club of Cavinti, bilang opisyal na nominado ng Bayan ng Cavinti Lalawigan ng Laguna na nagwagi bilang isa sa Namumukod-Tanging Kabataan para sa kategoryang Kabataang Propesyonal sa nakaraang GAWAD FELICISIMO T. SAN LUIS na ginanap noong ika-15 ng Disyembre taong 2024 sa Sentrong Pang-Kultura ng Laguna, Sta. Cruz, Laguna.
Pinagtalakayan at pinagtibay ang mga mahahalagang panukalang inihain sa hapag. Patunay lamang na patuloy ang maayos na paglilingkuran ng mga myembro ng Sanggunian para sa Bayan??????

#gARRANTisadongProgreso