News and Announcement
POPCOM Orientation
Aug 24, 2022 - 02:43 PM
POPCOM Orientation
Nagtungo rin po sa ating tanggapan ang mga opisyal mula sa Commission on Population and Development (POPCOM) sa pangunguna ni POPCOM Assistant Regional Director- Region 4A Ms. Marilyn Ogaya kung saan nagkaroon po ng oryentasyon ang ating mga Department Heads tungkol sa mandato at tungkulin ng Komisyon.
Mungkahi ng Komisyon sa pamamagitan ng Devolving Function na magtalaga ng Population Officer sa Pamahalaang Bayan upang magkaroon ng kawaning tututok sa pagpapaigting ng Family Planning at pamamahagi ng contraceptive para mapigilan ang pagdami ng nabubuntis kada taon at maiwasan po ang nabubuntis na mga menor de edad.
Maraming salamat po ARD Ms. Marilyn Ogaya at mga kasamahan from PPO R4A at Laguna PPO Outreach gayundin sa ating mga Department Heads sa pagdalo sa orientasyong ito.
Sa tamang pagpapaplano ng pamilya, buhay ay siguradong masagana, gARRANTisadong progreso ng bayan ay matatamasa!
