Philippine Standard Time

News and Announcement

13th Regular Session (2025-2028) October 13, 2025

Oct 16, 2025 - 04:50 AM


Oktubre 13, 2025- ginanap ang ika-13 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Milbert L. Oliveros.
Droga Ayaw Namin Diyan!
Pinagtibay para sa Ikalawang Pagbasa ang panukalang Ordinansa para sa Drug-Free Workplace sa loob ng mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Layunin ng ordinansang ito na masiguro ang pagkakaroon ng isang ligtas, maayos, at produktibong kapaligiran sa trabaho, sa pamamagitan ng mahigpit na patakaran laban sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan para sa mabuting pamamahala at mataas na antas ng integridad sa serbisyo-publiko.??????